Wednesday, March 30, 2011 at 1:42am
Ilang oras na lang at araw na ito ay matatapos na..
Nawa'y lahat nang nabigkas ng aming mga labi,
ang mga naisip namin at nagawa ngayong araw na ito, ay nakapag- bigay nang kaluwalhatian Saiyo..
Nawa'y sa araw naito, nabigyan Mo kami
ng pagkakataon na maipakita sa lahat
nang nasa paligid namin, sa lahat nang lugar,
nang mga nakasalamuha namin, higit sa lahat
sa aming pamilya at mga mahal sa buhay----
NA ANAK MO NGA PO KAMI...
SA SALITA ... SA ISIP... AT SA GAWA..
Walang hanggang pasasalamat, ang inilalagak
namin sa Iyong Paanan...
Kung nagkamali man po kami.. PATAWARIN PO NINYO KAMI.
Gabayan.. tulungan Mo po kaming lahat---
na bukas.. sa walang hanggang pagmamahal Mo,
gagawin namin ang lahat nang aming makakaya,
PARA PURIHIN AT DAKILAIN KA.. SA AMING HIRAM NA BUHAY..
Hinihingi po namin lahat ng pagpapalang ito ------ sa
matamis na PANGALAN ng aming SARILING PANGINOON
at TAGAPAGLIGTAS na si KRISTO HESUS! AMEN at AMEN! >* lua....
No comments:
Post a Comment