Monday, September 5, 2011

Good Morning!

Sunday, July 25, 2010 at 1:26pm

MULA SA SOUTH SAN FRANCISCO, AMERICA!

Ang oras ngayon dito sa South San Francisco ay 8:45 ng umaga.. Linggo! Medyo hindi pa nagdedesisyon ang araw na sumikat sa panig na ito ng mundo.. Marahil sa pinakmamahal kong bayang Pilipinas, ang araw ay medyo " nagpaparamdam " na! Ibig sabihin ito ay nararamdaman, nakikita na, bagama't suabe lamang ang kaniyang sikat! Ha ha ha!! Ang ibig sabihin ang ating PANGINOON ay " gumawa " na naman ng ISANG ARAW, na may 24 ORAS, at ito may maliwang na nakasaad o nakasulat sa AWIT 118:24! Kaya salubungin natin ang araw na ito na may kagalakan sa ating mga puso dahil buhay pa tayo, at ating mga mahal sa buhay. HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA, isang " Kawikaan" sa bansang Pinoy..Sa hindi masukat na pagmamahat at pagkalinga NiIYA sa ating lahat, " nagpapahiram " na naman Siya ng " BUONG ARAW " na ito para sa lahat ng Kaniyang nilalang, masama man o mabuti. nguni't higit na ninanais ng Kaniyang Pusong Ama, na ang araw na ito ay maging ganap at kasiya-siya sa Kaniyang mga " anak" at diyan ay nabibilang tayo, upang ang JEREMIAH 29:11 PLANO Niya sa ating BUHAY ay maganap ayon sa nasasaad o nasusulat sa Biblia, at ito ay ang- " AKO LAMANG ANG NAKAKAALAM NG MGA PANUKALANG INIHAHANDA KO PARA SA IKAKABUTI NINYO, AT PARA DULUTAN KAYO NG PAG-ASA SA HINAHARAP. ( Mabuting Balita Biblia,.) PURIHIHIN at DAKILAIN KA, PANGINOONG HESUS, ang YESHUA ng Bansang Israel, na pinag-ugatan ng aming Kristianismo! AMEN and AMEN!!

MABUHAY!*< lua... ( loveualways.)

No comments:

Post a Comment